Characters

Jay-Jay - napakanatural ng pag-acting. Sobrang laki ng potential maging isang AKTRES talaga. Judy Ann Santos ganoon. Not the prettiest pero iba 'yung charm at dating niya. Lahat sila okay pero siya talaga nagdadala sa AMNSE.

Keifer - Hindi ko nabasa 'yung book pero bagay sa kanya 'yung role. Iyong sablay na tagalog ay okay lang kasi englisero naman character niya. Maganda rehistro sa cam. Gusto ko rin 'yung mga expressions niya. Natural din pero sana mahasa pagtatagalog niya para mabigyan ng ibang roles.

Yuri - Maganda din rehistro sa cam at gusto ko mga nuances niya. Bukod sa mukha, iyong mata niya isa sa nagdadala sa kanya. Kulang pa sa pagbitaw ng lines pero kung magtuloy-tuloy o mag-workshop, malaki potensyal niya. Pwedeng bida kontrabida.

Ci-N - Natural din pag-acting nito bilang jolly person. Bagay sa kanya 'yung role.

Freya - Maganda. May potensyal maging isa sa nakakainis na kobtrabida.

Ella - Very pretty but needs to attend acting workshops. Pang bida mukha niya.

Calix - Gusto ko pag-arte nito. Maganda din rehistro sa cam.

I think bagay mga kinuhang artists para dito. Actually lahat sila may potensyal, e. Sana hasain pa sila ng management nila. Wattpad reader ako na ayaw sa adaptations dahil nasisira imaginations pero okay mga characters, bagay mga roles, hindi cringe, magaling ang writer at direktor kaya maganda pagkakagawa. Congratulations, AMNSE!