Hindi ko deserve yung girlfriend ko
8 years na kami ng girlfriend ko. Nagkaroon ako ng ex before her, at dahil sa ex ko na 'yun, I felt like hindi ko talaga deserve ang mahalin. After months of heartbreak and tears, I finally managed to move on. Nakilala ko naman ang girlfriend ko - siya yung mapapatanong ka talaga kay God kung deserve ko ba yung ganito? Sobrang pure niya magmahal, and she's willing to give everything to me. Yun naman yung opposite sakin. Mahal na mahal ko siya, pero lagi akong nagsa-self-sabotage sa relasyon namin. Palagi ko siyang pinu-push away at bina-block sa lahat, to the point na kailangan niyang i-message lahat ng friends ko para lang makausap ako.
2 years nakalipas, may mga friends ako na kailangan kong i-cut off dahil naaapektuhan ang relasyon namin. Gumawa ako ng paraan para makausap sila nang patago, at nalaman yun ng girlfriend ko. Noong una, hindi ko siya maintindihan bakit ganun na lang yung galit niya sakin. It's not like I cheated sa relasyon namin. Umabot pa sa pang-apat na beses na ganun ang ginawa ko, at paulit-ulit niya na lang ako pinatawad. Ako pa yung malakas ang loob na magpahabol sa kanya, despite na siya yung nasaktan ko, despite na ginawa ko yun during her final exams. Akala ko it's only cheating pag may third party, pero narealize ko na, shit, bini-betray ko siya. Nasasaktan ko siya. Nagsinungaling ako behind her back. I was indeed cheating on her.
Nag-sorry ako sa kanya and promised na hindi ko na uulitin. Naging okay yung relasyon namin, pero kapag nag-aaway kami, hindi talaga nawawala sa away na i-bring up na mas pinili ko yung friends ko over her. Wala siyang ibang ginawa kundi i-make sure na secured at loved ako, pero iba yung pinaramdam ko sa kanya. Hell, lagi siyang gumagawa ng paraan para puntahan ako, from Davao to Manila. Minsan kahit isang araw lang, basta makita niya ako.
Dumating ang pandemic. Naghirap ako, at ganun din siya. I had to stop studying and find work, and she did the same. She got a job at a BPO while I worked as a cashier, she was earning three times more than me. Lagi niya akong pinapadalhan ng food via Grab, while siya, nagtitipid at noodles lang ang kinakain niya (ngayon ko lang nalaman na ganun pala). Umuutang siya sa loan app para lang may maipadala sakin kasi sagad na talaga yung pera ko. Sobrang toxic ng boss ko na halos araw-araw sinisigawan ako, pero gumawa siya ng paraan para makaalis na ako sa work ko.
Nagtulungan kami. Nakahanap siya ng WFH job that pays in dollars. Naka-land siya ng magandang trabaho that pays really well, at sinabi niya na umalis na ako sa work ko. For 5 months, wala akong work, nagpapadala siya ng pera sakin para may mapang kain at pang gastos. Naga-help lang ako kung may mahe-help ako sa kanya, pero literal na tambay lang ako sa bahay at dahil na depressed na rin ako. Palaging siya yung kailangan maging strong para sa aming dalawa.
Napag-usapan namin na maga-move out ako at titira na sa Davao, pero sabi ko baka hindi ko kayanin yung adjustments. Kaya siya na lang ang pumunta dito sa Manila at tumira kasama ako. Tinulungan niya akong makahanap ng WFH job din. Nakakuha ako ng dalawang jobs at 3x mas mataas ang sahod kesa sa kanya. Bumabawi pa rin ako sa kanya sa lahat ng pagkukulang ko. Lahat ng bagay na deserve niya, binibili at binibigay ko. Never kami nagkaroon ng away sa pera. Alam ko na kahit anong bawi rin yung gawin ko para sa kanya, hindi mabubura lahat ng sakit na pinagdaanan niya dahil sa mga ginawa ko.