I have to check photos of my sister noong naaksidente at namatay siya.
Kailangan kong iprint at kalapin ang mga picture noong gabi ng aksidente ng kapatid ko para sa kasong isinampa namin sa pumatay sa kanya. Sobrang nanginginig ako habang tinitingnan kung anong itsura ng kapatid ko na nasa kalsada, duguan, sugatan. Nanginginig ako sa itsura ng nanay ko na nasa picture habang hinahawakan ang kamay ng kapatid ko — mukha ng desperasyon, gulat, takot. Sobrang sakit makita ng mga ito, it brings me back to that night. Hindi ko alam paano ito malalagpasan ng pamilya namin. Awang-awa ako sa pamilya ko at galit na galit ako sa taong pumatay sa kapatid ko.