Lubog dahil sa tapal system (sorry)

Puro text and calls na narereceive ko now since OD na ako. May nagttxt pero hindi sinasabi anong OLA. Nakiusap ako thru email and nagreq din na email nalang usapan pero walang update.

True ba na nagppost sila sa socmed and de@th thre@ts? Ito yung list ng OLA ko, first 4 nababayaran ko pa naman. Ask ko lang ano experience nyo sa kanila. Super need lang din ng insights:

  • Tala
  • Billease
  • Juanhand
  • Gloan
  • Ggives
  • Pesoloan
  • Zippeso
  • MayPera
  • FT Lending
  • OLP

Bukod dyan may iba pa akong binabayaran.

Grabe diko rin inexpect na aabot ako sa ganitong part ng buhay ko. I'm looking forward to the day I can say, 'I'm debt-free!" ? But sa lagay ko now baka matagal pa.

Kaya pls sa mga nagbabalak dyan wag nyo na subukan. Late ko na rin kasi narealize na maling mali ito.

OA man at alam kong kasalanan ko pero nakakapanlumo, diko alam paano. Wala rin nagaaccept sakin as part timer kasi raw di nila kayang pantayan yung current salary ko kahit sinabi ko na di ko rin naman ineexpect na same sa current income ko ang ibigay nila.

Gosh ang hirap hirap. Diko rin masabi sa fam ko kasi natatakot ako and alam kong dagdag problema ito sa kanila dahil need din nila ng pera.

Bank loan? Wala rin nagaaccept.

Thanks sa pagbasa.